Ni: Leonel Abasola at Bella Gamotea
Sinampahan ng kasong libelo ni Senador Antonio Trillanes IV ang blogger na si Joseph RJ Nieto, matapos nitong ilathala sa social media na tinawag umano ni US President Donald Trump na “drug lord” ang senador.
Sa kanyang social media account, sinabi ni Nieto na tinawag ni Trump si Trilanes na “narco” at may karugtong pa na, “doesTrump government know something”.
“Having posted in the Facebook account of Respondent Nieto in the internet, this malicious imputation was published far and wide and all over the world,” mababasa sa reklamo ni Trillanes.
Aniya, “fake news” ito at walang sinasabing ganito si Trump, at katunayan may ilan ding pahayagan na umano’y nag-double check sa istorya at lumabas na walang ganoong pahayag si Trump.
“Being a very vocal and staunch critic of President Rodrigo Roa Duterte, of whom Respondent Nieto is a self-confessed diehard supporter and defender, Respondent Nieto’s post was clearly made solely for the purpose of besmirching my reputation and maligning my name. Needless to state, since the Respondent Nieto caused the publication of the derogatory post through the electronic medium (i.e., using a computer system), respondent is clearly guilty of the cybercrime offense of LIBEL, as defined and penalized under the Cybercrime Prevention Act,” saad pa sa reklamo ng senador.
Samantala, hindi kinasuhan ni Trillanes ang reporter at kolumnistang si Al Pedroche, ng Pilipino Star Ngayon, na naglabas ng artikulo matapos itong humingi ng paumanhin sa senador.
Nasa P2 milyon at P250,000 ang hinihinging danyos ni Trillanes.