PINUNTAHAN ng Los Angeles police si Tyrese Gibson, Lunes ng umaga, nang mag-post siya ng nakakabahalang video online, na makikitang may lalaking tumalon at sinakal sa upuan.

Makikita sa video ang komedyanteng si Michael Blackson na underwear lamang ang suot, na tila nahihirapan at lumalabas na siya ay isang hostage, kaya tumawag ng pulis ang ilang fans, sa pangamba na baka may ginawa nang iba ang The Fate of the Furious star.

Tyrese Gibson
Tyrese Gibson
Marami ang nag-akala na gumaganti si Tyrese sa viral video na ibinahagi ng funnyman sa social media, na ginagaya ang breakdown ni Tyrese kamakailan, tungkol sa kanyang sampung taong gulang na anak na si Shayla, na ipinost nito sa Instagram.

“See the problem is, s**t is funny till it ain’t funny no more (sic), right?” saad ng aktor kay Blackson sa video nang dumaan ito sa harap ng upuan, habang naninigarilyo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Habang ginagaya ang komedyante, sinabi niyang, “’What’s up my n**ga? What the f**k my n**ga?’ Say something funny now, n**ga.”

“Where’s the Instagram videos now?,” dagdag pa ni Tyrese habang tinatakot nito si Blackson. “So you catch a n**ga going through some personal s**t with my daughter. At what point was you gon’ say, ‘I’m doing too much’? How you gon’ be on my back on some funny s**t, while I’m in the middle of a tragedy? You think that s**t funny, n**ga (sic)?”

Pagkatapos ay sinabuyan ng aktor ng baby oil si Blackson, bago nito tinakot ang huli na ipapakagat sa kanyang aso.

“Now, I just need to know a couple things: will you ever put up another video about my daughter?,” tanong niya, habang iiling-iling si Blackson. “I don’t believe you... My dog will f**k your a** up.”

Inihayag ni Tyrese sa video, na binura na, ang fake website na “F**kMichaelBlackson.com”.

Ayon sa TMZ.com, sumugod ang mga pulis sa bahay ni Tyrese upang mag-imbestiga sa pinagdudahang hostage situation, saka nalaman na biro lamang ang ginawa ng dalawa sa video, upang lokohin ang publiko.

Hindi pa nagkokomento si Tyrese tungkol sa pagdating ng mga pulis, na naganap tatlong araw matapos siyang garantiyahan ng joint custody kay Shayla simula sa 2018, kasunod ng mga alegasyon ng pang-aabuso ng kanyang dating asawa na si Norma Gibson.

Ibinahagi niya ang balita sa pamamagitan ng mahabang post sa Instagram, at pinasalamatan ang kanyang mga mahal sa buhay, na sumuporta sa kanya.

“Today is the first day of the rest of my life with MY FAMILY, my FRIENDS, my fans and supporters and my business associates and of course my immediate TEAM,” aniya. “God bless you..... broken but I will heal from this”. - Cover Media