Ni: Bert de Guzman

NANGANGAMBA ang taumbayan na kapag ibinalik sa Philippine National Police (PNP) ang giyera sa droga mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tiyak na araw-araw at gabi-gabi ay marami na namang mababaril at mapapatay na suspected drug pushers at users. Ngayong hawak ng PDEA ang illegal drug war, kakaunti lang ang napapatay.

Balak ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang teroristang grupo ang New People’s Army (NPA). Ayaw na rin yata niyang makipag-usap ng kapayapaan sa komunistang grupo dahil habang may negosasyon, patuloy ang pag-ambush ng NPA sa mga pulis, kawal, construction workers at sinusunog pa ang heavy equipment ng kumpanya.

Naniniwala si PRRD na ang NPA ngayon ay maituturing na sa isang kriminal na wala nang ipinakikipaglabang ideolohiya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dapat isipin ni Mano Digong na ang tanging mithiin ng CPP-NPA-NDF ay mahawakan ang renda ng gobyerno at sila ang maupo sa puwesto. Hindi papayag ang CPP-NPA ni Joma Sison na may kahati sa poder.

Siyanga pala, ngayong Pasko ay muling daragsa ang shoppers, customers at patrons sa malls at establishments, pero problema pa rin nila ang singilin sa parking fees. Isang kongresista sa Maynila, si Rep Manuel “Manny” Lopez ng First District, ang naghain ng panukalang batas na ipagbawal ang pagsingil ng parking fees sapagkat ang libreng parking space ay obligasyon nila sa mga customer at patron.

Sa kanyang HB 5061, hinikayat niya ang liderato ng Kamara na talakayin at ipasa ang panukala na mag-eexempt sa patrons, customers, tenants at lessees ng shopping malls, markets, shop, fairs, hospital at iba pa sa parking fees.

Ayon kay Lopez, vice chairman ng House committee on Metro Manila Development, si Pangulong Duterte ay nangako na buwagin ang mga oligarch na patuloy na kumukontrol sa ekonomiya at negosyo ng bansa.

Sabi ng Pangulo: “The only way for the deliverance of this country is to remove it from clutches of the few people who hold the power and money”. Naniniwala ang Tondo solon na patuloy ang mga oligarch sa kanilang interes na hindi makatarungan, sobra at oppressive parking fees sa mga pag-aari na kontrolado nila.

Determinado si PDU30 na sibakin sa puwesto ang gov’t officials na nagbibiyahe sa ibang bansa nang walang travel order mula sa kanyang tanggapan. Ginagastos at sinasayang lang daw ng mga pinuno ang pera ng bayan habang sila’y nagpapasarap. Ito ay isang uri ng kurapsiyon na nais niyang tabasin. Kwidaw kayong mga traveller, makabubuting magbitiw na lang kayo sa puwesto!