PEKENG PANINDA Ipinakita sa media ng isa sa mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasamsam na P3-bilyon halaga ng mga pekeng pabango at beauty products sa isang condo unit sa Tondo, Maynila. Napag-alaman na plano umanong ibenta ang mga nasabing produkto sa Maynila. (MB photo | JANSEN ROMERO)

Ni MINA NAVARRO

Aabot sa P3 bilyon halaga ng mga pekeng pabango, beauty products, na ipakakalat sana sa iba’t ibang tindahan sa Maynila, ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa isang condominium unit sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Customs commissioner Isidro Lapeña, nakumpiska ang daan-daang kahon ng mga pekeng produkto sa units 8-A, 10-A, 10-B, 18-C at 18-D ng Vicente Tower sa 1275 Dagupan Street, Tondo, Maynila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Lapeña, nag-ugat ang operasyon sa imbestigasyon ng tauhan ng BoC at tatlong linggong surveillance bago ang nasabing pagsalakay.

Isang Justine Lim ang kinilalang may-ari ng mga unit, gayundin ng mga pekeng produkto. Napag-alaman na ang mga nasabing produkto ay galing sa China, base sa findings ng BoC personnel mula sa Intellectual Property Rights Division.

“Counterfeit goods are considered prohibited under Rpublic Act No.8293 or the Intellectual Property Code of the Philippines,” ani Lapeña.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa paglabag ng importer sa Section 118 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).