Tuluyan nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na baligtarin ng korte ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin siya sa puwesto dahil sa alegasyon ng ill-gotten wealth.

Sa apat na pahinang resolusyon ng CA Special 1st Division na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, pinagtibay ng CA ang kautusan ng Office of the Ombudsman na sibakin sa puwesto si Mabilog bilang alkalde ng Iloilo City.

Sa desisyon ng Ombudsman na may petsang Oktubre 6, pinatawan si Mabilog ng “dismissal from service” matapos makitaan ng substantial evidence ang paratang ng serious dishonesty laban sa kanya dahil sa ill-gotten wealth.

Kasabay ng tuluyang pagsibak ng Ombudsman kay Mabilog ay kanselado na rin ang kanyang civil service eligilibity at habambuhay nang hindi makababalik sa pagseserbisyo sa gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa sa nasa listahan ni Pangulong Duterte ng mga umano’y “narco-politician”, Setyembre 11 nang bumiyahe si Mabilog palabas ng bansa upang magpagamot, at pagbalik ay sinibak na sa serbisyo.

Itinalaga ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Vice Mayor Jose Espinosa III bilang bagong alkalde ng Iloilo City. - Beth Camia