TATANGKAIN ng Centro Escolar University at Colegio de San Lorenzo – nangungunang koponan matapos ang double-round elimination – na maisaayos ang title showdown sa pakikipagtuos sa kani-kanilang karibal sa Final Four ng 2nd Universities and Colleges Basketball League (UCBL) ngayon sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Haharapin ng top-seeded at reigning titlist CEU Scorpions ang No. 4 Diliman College Blue Dragons ganap na 2:00 ng hapon.

Magtutuos naman ang No.2 seed CdSL Griffins kontra No.3 Olivarez College Sea Lions ganap na 12 ng tanghali.

Tangan kapwa ng CEU at CdSL ang ‘twice-to-beat advantage’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapana-panabik ang duwelo ng CEU at Diliman bunsod ng katotohanan na ang tanging kabiguan ng Scorpions sa 14-game elimination at nagmula sa Blue Dragons -- 59-56 sa first round.

“We know what they (Blue Dragons) are capable of doing so we cannot afford to put our guards down,” pahayag ni CEU coach Yong Garcia.

Sa pangunguna naman ni Benin native Soulemane Chabi Yo, liyamado ang CdSl Griffins sa Sea Lions na nadomina nila sa elimination round, ngunit ayaw pasisiguro ni CdSL coach Boni Garcia.

“Every time you play against Olivarez, you’re going to have a difficult time since they are enjoying a homecourt advantage. For sure, their supporters will go all out so we must have to do our part not to let them get involved,” sambit ni Garcia.