Isang 57-anyos na babae ang inaresto sa pagtatangka umanong mang-umit ng moisturizing cream sa loob ng isang department store sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala sa report kay Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Sta. Cruz Police, ang suspek na si Ma. Cecilia Jenny Skidmore, tubong Tanauan City, Batangas.

Batay sa paunang imbestigasyon, bandang 6:00 ng gabi at nasa department store ng SM San Lazaro si Skidmore nang tangkain umano nitong tangayin ang isang bote ng moisturizing cream na nagkakahalaga ng P193.

Gayunman, napansin siya ng civilian guard ng establisimyento, si Mark Dennis Viernes, na sumunod kay Skidmore hanggang makumpirmang hindi nagbayad sa cashier ang suspek.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Bago pa makalabas sa department store si Skidmore ay nilapitan siya ni Viernes at hiningi ang resibo para sa moisturizing cream, pero walang naiprisinta ang suspek.

Dinakip si Viernes ang babae at dinala sa Sta. Cruz Police, kung saan siya nakakulong at sasampahan ng theft. - Analou De Vera