TATAPUSIN ngayong Lunes ni Alden Richards ang taping ng Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo, pero hindi na sa Baguio gagawin ang last taping day, dito na lang sa isang lugar sa Metro Manila. Sa Sabado (Nobyembre 25) ang airing ng last episode ng 5th anniversary presentation ng Magpakailanman.

Inspiring daw ang story ni PFC Jomille Pavia kaya ito ang napiling isadula ng production ng Magpakailanman. Tamang-tama at gusto ni Alden gumawa ng story tungkol sa kabayanihan ng mga sundalo sa giyera sa Marawi.

Alden Richards
Alden Richards
Nalaman namin na hindi lang sa Magpakailanman magi-guest si Alden dahil lalabas din siya sa isang episode ng Dear Uge and this week, baka matuloy na ang taping niya sa Celebrity Bluff. Iikutin ni Alden ang paggi-guest sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

Nag-iipon ng guestings si Alden dahil aalis sila ng kanyang pamilya sa December at excited na siya sa first Christmas nila sa ibang bansa.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Pupunta kami ng Japan from December 19 to 27, doon. First out of the country trip namin ng buong pamilya ito, kaya excited na ang lahat. Sa Fukukoa muna kami for three days and Tokyo na all the way,” excited nitong pagbabalita.

Naalala namin ang katakut-takot na bashing na naranasan ni Alden nitong mga nakaraang araw, kaya kinumusta namin. It’s good to know na okay siya.

“Sanay na ako ma-bash, three years na akong bina-bash and everyday, may bagong isyu sila sa akin. Pati family ko nga dinadamay. Halos sirain na nila ang pagkatao ko at nababasa ko lahat ang mga sinasabi nila. Masakit ang mga nababasa ko, iniisip ko na lang na part ‘yun ng pagiging public figure ko,” sabi ni Alden.

Anyway, pinangunahan ni Alden ang pagpapasaya sa Kapuso fans nang dumating siya sa GMA Artist Center Fans Day last Friday sa Music Museum. Tuwang-tuwa ang fans at ang kapwa GMAAC talents ni Alden na makasama siya that day. --Nitz Miralles