Pangungunahan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda ngayong araw ang commissioning ng mga bagong Multi-Role Response Vehicle (MRRV) na naglalayong palakasin ang kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatrulya sa karagatan ng bansa.

Ang tatlong MRRV ay bahagi ng 10 units na nabili ng Pilipinas sa pamamagitan ng Overseas Development Assistance (ODA) loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang mga bagong biling sasakyan ay papangalanang BRP Capones (MRRV-4404); BRP Suluan (MRRV-4406); at BRP Sindangan (MRRV-4407).

Gaganapin ang commissioning sa PCG headquarters sa Port Area, Manila at si Transportation Secretary Arthur Tugade ang isa sa mga pangunahing dadalo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Agosto noong nakaraang taon nang ipagkaloob ng Japan ang BRP Tubbataha, ang una sa MRRV units na dumating sa ilalim ng nabanggit na loan program.

Sa nasabing seremonya, pangungunahan din ng Japanese envoy ang turnover ng tatlong Rigid High Inflatable Boats (RHIBs) sa PCG.

Ang RHIB ay high-speed, high-buoyancy, extreme-weather craft na katulad ng ginagamit ng United States navies at sailors para sa search operations sa dagat.

Noong Disyembre 14, 2013, nilagdaan ng JICA ang ODA loan agreement kasama ang gobyerno ng Pilipinas para magpautang ng JY18.732 bilyon (P8.5B) para sa “Maritime Safety Capability Improvement Project ng PCG.

Makalipas ang dalawang taon, iginawad ng noo’y Department of Transportation and Communications (DoTC) ang proyekto sa Japan Marine United Corporation (JMU) para sa paggawa ng 10 40-footer speedboats na ide-deliver mula 2016 hanggang 2018.

Bukod sa mga sasakyang pandagat, sinabi Prime Minister Shinzo Abe na nagkasundo rin ang dalawang bansa sa Y1 bilyon (P450 milyon) grant para magtayo ng coastal surveillance at radar facilities. - Roy C. Mabasa