NI: Lito T. Mañago

PAGKARAAN ng mahigit pitong buwang pananatili sa United Kingdom para sa Miss Saigon UK & Ireland Tour at 130 performances bilang Thuy, magbababalikbayan ang formerPinoy Pop Superstar grand champion na si Gerald Santos.

 

Gerald copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

May dalawang linggong homecoming si Gerald sa Pilipinas at sa huling silip namin sa kanyang Twitter at iba pang social media acounts, nasa loob na ng eroplano ang award-winning singer pauwi na ng bansa.

 

Ang huling performance ni Gerald sa Miss Saigon ay sa Bord Gais Energy Theater sa Dublin, Ireland. So far, Gerald has finished three legs of the tour: Leicester, Birmingham and Dublin, Ireland.

 

Nagsimula na noong Monday, November 12 ang kanyang official vacation from the company.

 

Sa kanyang official Facebook page, nag-post ng photo si Gerald sa labas ng Bord Gais Energy Theater na nilagyan niya ng caption na, “It is with certain sadness that we will leave this theatre here in Dublin, Ireland! Many Filipinos watched our shows in this theatre! They have been very supportive of us Pinoy cast!”

 

Patuloy niya, “Today, I will take my holiday after 6 months of rigid rehearsals and daily performances in 3 cities...

I will return to my beloved Philippines and share all my beautiful memories from this wonderful land, the UK. Thank you Sir Cameron Mackintosh for this super amazing experience... So excited to be home again!”

 

Sa kanyang pagbabalik sa UK after two weeks, itutuloy niya ang trabaho niya bilang Thuy. Nakatakda namang mag-perform ang kanilang grupo sa Cadiff, Wales.

 

Samantala, handang-handa na ang Solid Team Gerald Santos para salubungin ang kanilang idolo. Isang homecoming event ang kanilang inorganisa sa November 19 sa isang resto sa Quezon City.

 

Habang nasa bansa, sasamantalahin na ni Gerald na i-promote ang kanyang digital album sa TV at radio. May mga nakaiskedyul na rin siyang radio guestings at kung walang magiging aberya, aapir din ang musical theater actor sa isang TV show.

 

Sayang nga lang at hindi na aabot si Gerald sa 2017 Aliw Awards sa December na muli siyang nominado bilang Best Male Performance in a Concert para sa kanyang Something New In My Life concert sa SM Skydome bago siya lumipad patungong UK last May 6.

 

Gerald won his first Aliw Awards in 2011 at nasundan ito noong 2015 pagkaraan ng apat na taon.

 

Welcome home, Gerald!