HINIKAYAT ni 2019 Southeast Asian Games Chef de Mission Monsour del Rosario ang Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan nang mas malaking pondo ang mga sports na malaki ang tsansa na manalo ng medalya para masiguro ang tagumpay sa biennial meet na gaganapins sa bansa.

Ayon kay del Rosario, Congressman din ng Makati City District 1, na mas masisiguro ng bansa na mabawi ang overall championship sa SEAG kung mas mapalalakas ang mga sports na tunay na angat ang Pinoy.

“This is what I was trying to tell our officials. Kung saan magaling ang Pinoy yun ang pagtuunan natin na sports. Hindi ibig sabihin kakaligtaan natin yung ibang sports. Mas malaking pondo para sa training and exposure doon sa sports na talagang atin,” pahayag ni del Rosario.

Nakamit ng bansa ang kauna-unahang overall championship sa SEAG noong 2015 Manila edition. Ngunit, matapos ang matagumpay na kampanya, pawang kahihiyan ang sinapit ng delegasyon na hindi nakaalpas sa ikaanim na puwesto, kabilang ang 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan tumapos ang Pinoy sa ikaanim na puwesto tangan ang 24 ginto, 33 silver at 64 bronze medal.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Gulangan natin ang mga kalaban natin in a nice way. Kung magpo focus tayo sa mga sports na magaling tayo mas masisiguro natin ang panalo,” aniya.

Gayunman sinabi din ni del Rosario na puspusang suporta at paghahanda ang kailangan ng buong bansa upang ipakita sa mga atleta ang kanilang halaga sa ating bansa. - Annie Abad