April 16, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping may napansin kay Sen. Marcoleta: ‘Pina-parrot lang posisyon ng China sa WPS?’

Sen. Ping may napansin kay Sen. Marcoleta: ‘Pina-parrot lang posisyon ng China sa WPS?’
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB), File Photo

Ibinahagi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang napansin niyang tila magkatulad umano ang mga pinapahayag ni Sen. Rodante Marcoleta sa mga sinabi ng China tungkol sa West Philippine Sea (WPS). 

Ayon sa naging panayam ng media kay Lacson nitong Miyerkules, Marso 11, 2026, kinuwento niyang nagpagawa raw siya ng “pattern” sa kaniyang mga tauhan tungkol sa mga inihahayag ni Marcoleta at sa website ng China. 

“Ang isang na-notice ko when we are researching, we tried to compare, sabi ko sa mga staff, establish a pattern ‘yong kaniyang pronouncement about China [and] about West Philippine Sea,” pagsisimula niya. 

Dagdag niya, “Talagang swak na swak doon sa official website ng Ministry of Foreign Affairs of the People of Republic of China. So, what [did] that indicate or tell you?” 

Ani Lacson, tila ra pina-”parrot” o sinasabi lang din ni Marcoleta ang posisyon ng China tungkol sa WPS. “Kung ganoon ang kaniyang position, pina-parrot lang ba niya ‘yong position ng China regarding [sa] West Philippine Sea? Hindi na dapat lumabas ‘yon, e. But, you know, hinahamon niya ako, e,” aniya. 

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Buwelta niya, tila hindi na rin daw kasi siya nakapagpigil nang atakihin siya ng kapuwa niya senador nang tatlong beses. 

“Sabi ko nga, if you hit me once, puwede akong magtiis. Hit me twice, puwede pa rin. Hit me three times, medyo malapit na sa elastic limit ‘yon,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Lacson, “unsettling” o nakakabahala raw ang ganitong inihahayag ni Marcoleta para sa China lalo na at may kasalukuyang nagaganap na giyera sa Middle East. 

“Unsettling… because this is national security that we’re talking about. Especially na delicate ‘yong situation in the advent of the Iran war. Parang iniisip ng marami na baka magka-world war III,” ‘ika niya. 

“Kapag nag-escalate ‘yan at kumalat pa sa Pacific region, medyo kawawa naman tayo. Ang tayo, as a very weak country militarily, huwag na nating gatungan pa o huwag nating dagdagan,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang pahayag, tugon, o reaksyon si Marcoleta kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Matagal na akong nagtitimpi!' Sen. Ping, 'feel good' matapos sagutan nila ni Sen. Marcoleta