BATANGAS CITY - Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang annual budget ng Batangas City para sa susunod na taon sa halagang P1,827,120,000.

Ayon kay Committee on Appropriations Chairman Sergie Atienza, malaking bahagdan ng pondo ang nakalaan sa Office of the Mayor na may P686.7 milyon, at P371 milyon naman ang para sa Special Purpose Lump-sum appropriation.

Pinaglaanan din ng P131.5 milyon ang City Health Office, P83.8 milyon sa City Engineers Office, P46.8 milyon ang para sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, P42 milyon sa City Social Welfare and Development Office, at P60.6 milyon sa City Veterinary and Agricultural Services.

Pinaglaanan ng pinakamaliit na alokasyon ang City Prosecutor’s Office, na may P4.2 milyon. - Lyka Manalo

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito