Napipintong magpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 95 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene habang 55 sentimos na dagdag marahil sa diesel, bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikaapat na bugso ng oil price hike simula nitong Oktubre.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasoline ay nasa P42.55 hanggang P52.41 kada litro habang P31.20-P36.60 naman ang diesel. - Bella Gamotea

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji