Ni: Marivic Awitan

NATAPOS ang 18-game winning run ng Lyceum makaraang madapa 87-94 sa determinadong San Beda nitong Biyernes ng gabi sa Game 1 ng NCAA Season 93 best -of-3 finals series sa Araneta Coliseum.

Buong pagpapakumbaba namang inako ni head coach Topex Robinson ang responsibilidad ng nasabing pagkabigo.

“I’m sorry. It’s my fault. I made some bad decisions, bad coaching. San Beda was really the great team this afternoon. We really lost to a better team,”ani Robinson.

Hindi umubra ang small-ball lineup ng Pirates partikular sa fourth period dahil sinamantala ito ng San Beda upang manalasa sa gitna sa pangunguna ni Donald Tankoua.

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Bagama’t hindi sila lumubay sa pakikipagsabayan sa Red Lions, nabigo naman silang mapigil ang pagti -takeover ni Robert Bolick sa final stretch.