Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum )

2 n.h. -- NU vs UP

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 n.h. -- Adamson vs FEU

HAHARAPIN ng Far Eastern University and No.3 Adamson sa tampok na laro ng kambal na krusyal na duwelo para sa labanan sa nalalabing slots sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 6-7 karta, target ng Tamaraws na manalo sa Soaring Falcons (9-4) para mapatibay ang kapit sa No.4 sa laro na nakatakda ganap na 4:00 ng hapon.

Walang puwang ang kabiguan sa Tamaraws bunsod nang katotohanan na handang sumungkit ng playoff para sa No.4 ang National University at University of the Philippines na sosyo sa ikalimang puwesto tangan ang 5-8 karta.

Sinuman ang magwawagi sa laro ganap na 2:00 ng hapon ay makakakuha ng tsansang makalaban sa playoff sa sandaling mabigo ang Far Eastern U.

Nadiskaril ang sana’y ligtas na katayuna ng Tamaraws nang mabigo sa Bulldogs, sa kabila nang naitalang league-record 18 three-pointer nitong Miyerkules.

Bunga ng nasabing 84-87 na pagkabigo ng FEU sa NU, binigyan nila ng tsansa ang alinman sa Bulldogs at Maroons na makahabol pa sa huling semifinals slot.

Kahit nakakasiguro na ng puwesto sa susunod na round, hindi naman mangangahulugang magbibigay na lamang ang Falcons dahil tiyak na gugustuhin nitong pumasok ng Final Four kontra sa magiging second seed na may taglay na bentaheng twice-to-beat na galing sa panalo upang makabuwelo.

Ngunit, kung magwawagi ang Tamaraws sila na ang may pagkakataong makaduwelo ng top seed sa Final Four.

Nangunguna ang Ateneo na may 13-0 karta, kasunod ang La Salle na may 11-2 marka. Ngunit kung mawawalis ng Blue Eagles ang eliminations, direkta silang uusad sa finals habang sasabak sa stepladder semifinals ang huling tatlong koponan.