Ni: Annie Abad

KASABAY ng puspusang paghahanda ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asia Games hosting, nakatuon din ang pansin Philippine Sports Commission (PSC) sa nutrisyon ng mga atleta.

Ayon Kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, kasama sa planning ng rehabilitasyon ng mga venues ang pagpapaayos sa athletes canteen at dormitories.

“Of course aside from the venues we are also looking at the nutrition of the athletes. Bukod sa mga pagkain na ihahanda for them, we need to make sure that the canteen and their dormitories are also in good shape,” pahayag ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nais umano ng pamunuan ng PSC na masiguro na malinis ang pasilidad na tutuluyan ng mga atleta habang sila ay nagsasanay para sa pagsabak sa international competition, kabilang na ang SEA Games sa 2019.

“Mahirap maman kasi na nakafocus tayo sa training nila pero yung facilities and equipments hindi maayos,” ayon kay Ramirez.

“Kailangan maayos pati kainan at tulugan ng mga atleta natin,” aniya.

Sinabi pa Ni Ramirez na bukas ang PSC para sa anumaang kakailanganin ng mga atleta sa kanilang paghahanda. Panahon na umano na magbuklod ang lahat ng mga sports officials ng bansa para tulungan at suportahan ang mga atleta.

“This is the best way for us to set aside our differences. We need to unite para sa ikakatagumpay ng mga atleta natin and for our country,” ani Ramirez.

Kabuuang 150 milyong piso ang nakatakdang ilabas ng PSC para sa pagpapasaayos ng pasilidad.