Ni REMY UMEREZ

SA pangalawang pagkakataon makalipas ang dalawang dekada ay muling isasasadula ang acclaimed musical na Nasaan si Hesus? simula November 19, 2017, 7:30 PM sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines. Invitational ang unang gabing pagtatanghal.

Ang musical ay pinagbibidahan ng balladeer na si Bimbo Zerrudo mula sa panulat ni Gng. Lourdes “Bing” Pimentel, maybahay ng former senator Aquilino “Nene” Pimentel at ina ng Senate President Koko Pimentel.

Bukod sa Nasaan si Hesus, composition din ni Mrs. Pimentel ang other musicals tulad ng Cory, Huwag Kang Pumayag sa Dagdag-Bawas, Pag-ibig sa Bayan at Buhay Isang Awit. Ang lahat ng ito ay idinirihe ni Nestor Torre, ang director din ng Nasaan si Hesus.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa pamamagitan ng mga awitin ay tatalakayin ng play ang mga isyu sa teenage pregnancy, unjust labor practice sa mga mangagawa, electoral reforms at loss of faith.

Nagpasya na si Bimbo na umiwas sa paglabas sa mga musical shows na ayon sa kanya ay time consuming at nakakapagod at inilaan ang kanyang oras sa franchising business. Kaya lang ay hindi niya matanggihan si Mrs. Pimentel who is a good friend. Ayaw din niyang pakawalan ang isang makabuluhang proyekto na naging bahagi na ng kanyang buhay.

Si Bimbo ang tanging orihinal member ng bagong cast na ang karamihan ay mga baguhan na nag-audition for the part.

Proceeds of the play will benefit the following organizations: Community Chess Foundation Inc., The Batang Transformers, proyekto ng Pimentel Institute for Leadership at Governance, The Pasalord Prayer Movement at Projects of the Women’s Rights Movement of the Philippines.