(Editor’s note: Naririto ang press dispatch na ipinadala ng GMA Network bilang pagbati sa isa na namang alaga nila na nag-uwi ng international beauty title.)
DINAGDAGAN ng ningning ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang dati nang makulay na pageant history sa naipanalo niyang first-ever Reina Hispanoamericana 2017 crown ng bansa nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 4 sa Sta. Cruz, Bolivia.
Ang Kapuso actress ang unang Pilipina at Asian delegate na nakipagtunggali sa taunang pageant na nagtataguyod sa Hispanic heritage, wika at kultura.
Nagsimula ang showbiz career ni Winwyn sa GMA noong 2010 bilang performer sa Party Pilipinas. Naging host din siya ng Candies, ang lifestyle program na umere sa QTV Channel 11.
Napanood din ang kanyang acting prowess sa iba’t ibang Kapuso drama programs tulad ng Blusang Itim, One True Love, Dormitoryo, Kambal Sirena, The Half Sisters, Little Nanay, Encantadia at Mulawin vs. Ravena.
Regular performer siya sa Sunday musical-variety program ng network na Sunday All Stars.
Nang masungkit ang coveted crown, ito ang unang mensahe na ibinahagi ni Winwyn bilang Reina Hispanoamericana sa official Facebook page ng pageant nitong nakaraang Linggo.
“Hola, hello everyone! I’m your new Reina Hispanoamericana, I am very happy and I promise, I will make the Hispanic culture alive. She ended with “I love you Filipinas. Mabuhay! Te amo, Bolivia. Gracias!”