NI: Light A. Nolasco
LLANERA, Nueva Ecija - Labis na paghihinagpis ang nararanasan ng isang 34-anyos na mister na dumulog sa pulisya para humingi ng tulong sa paghahanap sa asawa niya na nagpaalam lamang na mag-aasikaso ng mga papeles ngunit hindi na nakauei sa Purok 2, Barangay Bosque, Llanera, Nueva Ecija.
Sa salaysay ni Enrico Abig, 34, sa pulisya, dakong 8:00 ng umaga nitong Nobyembre 2 nang magpaalam ang asawa niyang si Rechel Abig para mag-asikaso ng mga papeles na kakailanganin sa trabaho, ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang tahanan.
Huling namataan ang ginang na nakasuot ng puting blouse, maong pants, nakasombrero ng itim, at may pink na bag.
Nanawagan si Enrico sa sinumang nakakakilala o nakaaalam sa kinaroroonan ng kanyang misis na ipagbigay-alam ito sa kanya sa 0998-5985415 o sa 0975-2957058, o i-report sa himpilan ng pulisya.