Matapos masangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III, ikinokonsidera ni University of Santo Tomas (UST) Civil Law Dean Nilo Divina na umalis sa Aegis Juris fraternity.

Sinabi ni Divina na posibleng umalis na siya sa fraternity sa oras na matapos ang kaso sa pagkamatay ni Castillo.

“After this case, I will consider it,” sambit ni Divina.

Kasalukuyang nagsasagawa ng preliminary investigation ang Department of Justice (DoJ) sa kasong kriminal na isinampa ng magulang ni Castillo—Horatio, Jr. at Carmina—at ng Manila Police District (MPD) laban sa umano’y mga sangkot sa pagpatay sa fraternity neophyte.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kabilang sa mga respondent sa kaso, si Divina ay inakusahan ng paglabag sa Republic Act 8049, ang Anti-Hazing Law; murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code; at obstruction of justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829. - Jeffrey G. Damicog