JAEN, Nueva Ecija - Patay ang isang miyembro ng Bantay-Bayan makaraang aksidenteng mabaril ng kabaro nito habang lulan sa Barangay Ambulance para rumesponde sa isang kaguluhan sa Barangay Marawa, Jaen, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Jaen Police, kinilala ang biktimang si Mario Abergas y Laureano, may asawa, habang ang suspek ay si Marlon Escala y Gamboa, 45, kapwa miyembro ng Bantay-Bayan.

Dakong 8:30 ng umaga at minamaneho ni Abergas ang service ambulance patungo sa lugar ng kaguluhan, kasama ang tatlo pang Bantay-Bayan nang aksidenteng nakalabit ni Escala ang gatilyo ng dala-dalang shotgun.

Tinamaan ang biktima at agad na namatay, habang mabilis namang tumakas ang suspek, na pinaghahanap na. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog