Kate at Justin
Kate at Justin

INIULAT na naghahanda na ang model at actress na si Kate Upton para lumipad patungong Italy para magpakasal sa kanyang baseball star fiance  na si Justin Verlander ngayong weekend.

Sariwa pa mula sa pag-cheer sa  panalo ng kanyang husband-to-be at sa koponan nito na Houston Astros laban sa Los Angeles Dodgers sa World Series nitong Miyerkules, magkakaroon ng isa pang dahilan para magdiwang ang magkasintahan, ayon sa People.com.

Ayon sa mga ulat, tutungo sina Justin at Kate sa Europe ngayong linggo para magpapakasal.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Inihayag ng Other Woman actress at ng kanyang nobyo ang kanilang engagement sa 2016 Met Gala sa New York City, nang ipakita ni Kate ang kanyang custom ring  na idinisenyo ng pitcher at jeweler na si Anita Ko.

Nitong unang bahagi ng taon, inamin ng busty blonde na nais nilang maging “fun, party, tequila, and food” ang kanilang kasal.

“We haven’t done any details,” pag-amin niya. “We are getting married, but it’s really hard. Everyone’s always like, ‘Invite whoever you want, do whatever you want, don’t feel bad about it’, but you feel bad!”

Gayunman, may isang  parte ng  wedding planning na  kinagigiliwan ni Kate -  ang dress shopping sa Barcelona, Spain.

“There are so many dresses and designers, it’s been fun to look around,” aniya sa Extra nitong summer. “I’m excited to finalise everything.”

Naging magkasintahan sina Kate at Justin noong 2014. - Cover Media