Ni JIMI ESCALA

BALIK-SHOWBIZ si Hero Angeles sa pamamagitan ng seryeng Love Will Lead You Back under the RSB unit ni Direk Ruel Bayani. 

Tuwang-tuwa siyempre si Hero, hindi raw siya nagdalawang-isip at tinanggap agad ang offer.

Ang RSB Unit ang nasa likod ng top rating na Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador kasama ang magagaling sa drama na sina Tirso Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Cruz.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hero Angeles
Hero Angeles
Ang Love Will Lead You Back ay pagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby at kasama rin sina Lotlot de Leon, Christian Bables, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Allan Paule at Amy Austria.

Napakasaya ni Hero na pawang de-kalibreng mga artista ang makakasama niya. Huling napapanood si Hero sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa seryeng Nathaniel noong 2015.

“Masaya, at tinanggap ko agad,” sey ni Hero. “Kumbaga, ngayon lang ulit ako magkaka-show sa ABS-CBN ‘tapos isang soap opera pa siya. So, sabi ko tatanggapin ko kahit anong role pa ‘yan.”

May ideya na si Hero sa magiging papel niya sa nasabing serye pero hindi pa niya maaaring banggitin.

“Sa totoo lang, eh, hindi ko pa nabasa ang script pero sobrang excited na ako. Sabi ko nga kahit anong role okey lang sa akin,” banggit ng comebacking actor.

Wala pang idea si Hero kung kailan ipapalabas ang serye nila, hindi rin niya alam kung pang-primetime o kung sa hapon ito.

“Basta ang sa akin lang, eh, excited talaga ako. Noong una ngang binanggit sa akin, eh, okey agad ako,” lahad pa rin ni Hero.

Samantala, inamin ni Hero na nakaramdam siya ng pagsisisi nang pansamantala niyang iwanan ang magandang showbiz career niya noon.

“Sabi ko nga, bakit kasi nangyari pa ang mga bagay na ‘yun? Later ko na lang na-realize na kaya nangyari ‘yun para mas pahalagahan ko pa ang trabaho ko at ang mga taong sumusuporta sa akin sa simula pa lang ng pagiging artista ko,””pagbalik-tanaw ni Hero.