Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 ang apat na umano’y drug pusher na nagkunwaring balot vendor, sa Purok Rosas, Barangay Buenaflor, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Gil Castro, director ng PDEA-12, ang mga nahuling si Angelito Ulangkaya, 57; at dalawang anak nitong sina John Michael Ulangkaya, 23, estudyante; Freeman Ulangkaya, 38, residente ng Bgy. Katungal, GM Homes Zone 1, Tacurong City; at Rahib Abdullatif, 30, negosyante, ng Bgy. Malingao, Shariff Aguak, Maguindano.

Nabawi sa mga suspek ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P330,000, drug paraphernalia, at pinatuyong dahon ng marijuana.

Modus operandi ng mga suspek na magpanggap na balut vendor. - Fer Taboy

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?