Ni NITZ MIRALLES

FEELING Korean na talaga si Anne Curtis. Pati ang tattoo niya, made in Korea. 

Ang Korean tattoo artist na may pangalang playground_tat2 ang gumawa ng cross lettering tattoo ni Anne na hindi malinaw sa picture kung sa left o right wrist niya inilagay. Ang ibig sabihin daw ng tattoo ay dream and cross.

Anne copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa nabasa namin sa Google, nasa South Korea ang playground_tat2 na gumagawa ng miniature tattoo. Nagpunta sa South Korean si Anne at ang kanyang fiance na si Erwan Heussaff, isinabay na ni Anne ang pagpapa-tattoo.

Dahil sa tattoo ni Anne, marami ang fans niya na nakikigayang magpa-tattoo na rin at ipakopya ang kanyang tattoo.

Kaya lang, kung gusto nila ng gayang-gaya sa tattoo ni Anne, pupunta pa sila sa Seoul, Korea.

Samantala, binigyan ng bridal shower ng Tiffany & Co at ng Rustan’s si Anne na sa November 11 na ang kasal sa Queenstown, New Zealand. Nakita namin sa bridal shower sina Karylle, Nicole Anderson, Antoinette Taus at kapatid na si Jasmine Curtis-Smith.