Ni: Jimi Escala

KAHIT hindi gaanong kalakihan ang papel na ginampanan niya sa Wildflower ay pinasasalamatan ni Roxanne Barcelo ang lahat ng involved sa production lalung-lalo na ang ABS-CBN mismo.

roxanne-barcelo copy

Proud si Roxanne na nabigyan siya ng importanteng papel na nagsisilbing comeback project niya raw sa Dos.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

 

“For me, it is a blessing talaga and as a team, eh, lahat kami masaya. It’s the best production ever, kasi lahat naman kami magkakaibigan. Kahit alam ko na puyat na lahat good vibes pa rin,” sey ni Roxanne .

 

Ikinuwento niya na dahil sa Wilflower ay muli siyang binigyan ng ka-love team ng ABS-CBN, si Vin Abrenica na gumanap bilang si Jepoy.

 

“Nakakaaliw talaga, kasi ang tagal ko nang walang love team, so parang tina-try lang nila and medyo kinakagat naman kasi it reminds me of the 50 Shades of Grey, parang ganu’n ang tandem ngayon namin nina Jepoy and Natalie,” napatawang kuwento ni Roxanne.

 

Kaya nga ganoon na lang ang pasasalamat ni Roxanne sa RSB unit at kay Direk Ruel Bayani. At ngayon ngang kumpirmado nang mai-extend uli ang Wildflower ay tuwang-tuwa si Roxanne na magkakasama pa rin sila ng nabuo nilang barkadahan nina Maja Salvador, Aiko Melendez, Sunshine Cruz at iba pang kasama sa cast ng nabanggit na serye.

 

“Sa totoo lang, lahat kami, eh, kanya-kanyang suportahan. Siyempre, salamat kay Direk Ruel at sa mga direktor namin dahil they all give us chances to shine naman sa lahat ng mga eksena namin,” sey ni Roxanne.

 

Dapat ay hanggang October na lang ang Wildflower pero dahil sa sobrang taas ng ratings ng show ay na-extend uli ito hanggang January pero ang latest ay mukhang mas tatagal pa sa ere ang serye nila.

“Mukhang naiba na naman kasi sa birthday ni Maja, nabanggit ‘yan, kaya good vibes lahat talaga. Sobrang bongga talaga kasi ang nangyayari Almost everyday taping na and they are really putting all thier minds together.

“Nagla-lock in na talaga ‘yung mga writers namin and everyone’s so into it. Sobrang inspirado kaming lahat and I’m looking forward every time I work with them,” sabi ni Roxanne.

Samantala, pagkatapos ng pelikulang I left My Heart in Sta. Fe ay may plano uli si Roxanne na mag-produce ng indie film. Kahit sinasabi niyang nangangapa pa rin siya hanggang ngayon bilang producer, balak pa rin niyang mag-produce.