Ni NITZ MIRALLES

MAY playdate na ang Crazy Rich Asians, ang Hollywood movie na adaptation ng bestseller book ng Singaporean author na si Kevin Kwan at kasama sa cast si Kris Aquino sa role na hindi pa sinasabi.

KRIS-AQUINO-e1492568922792 copy

Si Kris, na nagbabakasyon sa New York ngayon kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, ang nagbalita via her Instagram (IG) account.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

 

“FYI @kevinkwanbooks sent me the Hollywood Reporter Link-Warner Bros announced August 17, 2018 as the playdate for Crazy Rich Asians.”

Sa accompanying video ng announcement ni Kris sa playdate ng movie, kasama niya at pinasalamatan si Jhett Tolentino na naging instrumental para masama sa mga nag-audition sa nabanggit na pelikula.

 

“It was a prayed for turning point in my life-the audition i did w/in 48 hours of Jhett’s 1st call, remember thinking we’d give our all so come what may i’d have zero regrets,” pagbabalik-tanaw ni Kris kung paano siya nakasama sa pelikula.

 

Samantala, ikinatuwa ni Kim Chiu ang pangako ni Kris na panonoorin ang pelikula niyang The Ghost Bride pagbalik ni Kris from New York. Magpapa-block screening pa siya.

 

“We’ll be watching soon as we get home. May i host a block screening reunion because we’ve missed you.

#friendsarefamily.”

 

Sumagot si Kim ng, “omg! This made my day!!! Ate!! i miss you so much!! of course ate anytime... pag nandito ka na ate!! thank u ate!!! can’t wait to see you.”

 

Binanggit din ni Kris na dahil hindi na takot si Bimby sa horror, isasama niya ito sa panonood ng The Ghost Bride.