Ni: Nitz Miralles

MABILIS dumami ang likes ng picture ninaJohn Lloyd Cruz at Ellen Adarna na hinahalikan ng una ang girlfriend sa cheek. Ang BFF ni Ellen na si Doreen Ting ang nag-post ng picture sa Instagram (IG). Wala sa IG ang love birds, pero malay natin at ganahan silang i-post ang nakakakilig na litrato.

ellen at John Lloyd copy

Maraming ginugulat si John Lloyd mula nang maging GF si Ellen, naging showy ito o ma-PDA (Public Display of Affection) na never nitong ginawa sa past girlfriends. 

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sabagay, may kasabihang there is always a first o baka talagang tinamaan lang ng husto ang aktor, sobrang na-in love kaya all out sa pagpapakita na mahal niya si Ellen.

Anyway, mukhang extended pa ang bakasyon nina John Lloyd at Ellen dahil sa sagot ni Ellen kay Doreen na, “See u in a week!!!” Mukhang magkikita sila sa next country na pupuntahan nila. 

Sa latest post ni Ellen, nasa Bern, Switzerland sila ni John Lloyd.