Ni: Gilbert Espena

NAGKAMPEON si dating Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (Earist) top player Narciso Gumila Jr. sa Concepcion Dos Chess Club non-master chess tournament kamakalawa sa Bonita Homes Concepcion Dos sa Marikina City.

Si Gumila na kasalukuyang chess teacher sa Makati Hope Christian School ay nakapagtala ng 5.5 puntos na walang talo sa six-round Swiss System 15 minutes time control format event.

Nanaig siya kontra sa dating nangungunang si Jimson Linda sa final round tungo sa titulo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Namayani naman si Ruel Sto. Domingo kontra April Joy Ramos para sa ikalawang puwesto via superior tie break kay Linda.

Pinangunahan nina World Chess Federation (FIDE) arbiter Dubai-based Ryan Carandang, Concepcion Dos Chess Club President Arlito Celis, Vice president Johnson Abacan at tournament director Ranier Pascual ang closing rites.

Ayon kay tournament director Ranier Pascual, ang susunod na event ay sa Nobyembre 25 habang ang Open master division ay nakatakda naman sa Disyembre 9.