NI: Fer Taboy

Aabot sa 420 kawani ng pamahalaan ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa ilegal na droga.

Sa nasabing bilang, 181 ang halal na opisyal, 203 ang government employee, at 36 ang uniformed personnel.

Ayon pa sa report, umaabot sa 172 shabu laboratory at drug den ang nabuwag ng mga tauhan ng PDEA sa nakalipas na apat na buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na simula Hunyo hanggang Oktubre 25 ay siyam na laboratoryo ng shabu at 163 drug den ang nabuwag ng ahensiya.

Aabot naman sa P18.85 bilyon ang halaga ng mga ilegal na droga na nasamsam, mas mataas ng P11.57 milyon kumpara noong Setyembre.

Sinabi pa ni Aquino na may kabuuang 2,509.22 kilo ng shabu ang nakumpiska, na aabot sa P12.91 bilyon.

Ayon sa PDEA, umaabot sa 117,004 na katao rin ang naaresto dahil sa ilegal na droga simula Hulyo hanggang Oktubre 25.

Isinagawa ng law enforcement agencies ang 77,468 na anti-illegal drug operation, kasama ang PDEA, Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Customs.