ANKARA (AFP) – Nagbitiw ang mayor ng Ankara nitong Sabado sa utos ni President Recep Tayyip Erdogan, na nagsusumikap na muling mapalakas ang ruling party bago ang halalan sa 2019.

Sinabi ni Melih Gokcek, masugid na loyalista ni Erdogan at 23 taon nang namamahala sa Turkish capital, na nagbitiw siya para sa interes ng bansa.

‘’I leave my post of mayor on orders from our leader Recep Tayyip Erdogan,’’ ani Gokcek, miyembro ng namumunong Justice and Development Party (AKP), sa televised speech.

‘’I bow to the request of Recep Tayyip Erdogan, not because I do not think I have been successful, not because I think I’m tired... but only because I think (Erdogan) can make our country a leader.’’

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Hindi pa pinapangalanan ang kapalit ni Gokcek.