Direk Maryo kasama ang cast ng ‘The One That Get Away’
Direk Maryo kasama ang cast ng ‘The One That Get Away’

NAGKAROON ng storycon ang bagong primetime show ng GMA-7 na The One That Got Away (TOTGA) at ipinakilala na ang buong cast. Present si Direk Maryo J. delos Reyes, mga writer, at iba pang mga kasama sa creative staff.

Kabilang sa bubuo ng cast sina Bembol Roco, Snooky Serna, Ervic Vijandre, Ayra Mariano, Joyce Pring, Dea Formilleza, Jason Francisco at Nar Cabico.

Nauna nang ipinakilala sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos bilang lead actresses ng TOTGA na by that time, Triple X pa ang working title.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kasunod na ipinakilala sina Dennis Trillo na gaganap sa role ni Liam, ang ex-boyfriend nina Lovi, Max at Rhian. Kasama naman ni Dennis na ipinakilala sina Jason Abalos, Migo Adecer at Ivan Dorschner na ma-i-involved sa tatlong leading lady.

Sa cast ng TOTGA, sina Jason at Ivan ang parehong galing sa ABS-CBN at si Joyce ay bagong talent ng GMA Artist Center at kung hindi kami nagkakamali, former talent ng Viva Artist Agency.

Malapit na raw simulan ang taping ng TOTGA na paboritong salita ng millennials. Sa January 2018 ang airing nito at ipapalit daw sa My Korean Jagiya. –Nitz Miralles