SA old ancestral house sa Manila ng pamilya ni Senator Loren Legarda ang location ng taping ng horror episode ng Magpakailanman na ipinalabas kagabi titled “Nika Manika: The Possessed Doll.” Tampok sina Kiko Estrada (bilang Jay) at Sophie Albert (Ihna), ginampanan nila ang role ng very close na magpinsan na dahil sa pagkakaroon ng third eye ng guy ay nag-away. May mga nakikita kasi si Jay simula nang makatanggap ng isang manika si Ihna, noong mga bata pa sila. Walang naniwala kay Jay hanggang sa nagkahiwalay sila at namuhay separately sa Maynila.

Bumalik sila sa kanilang ancestral house pagkalipas ng maraming taon at muli, nakakita si Kiko ng mga di-pangkaraniwang pangyayari.

Sophie Albert
Sophie Albert
Thankful si Sophie Albert na after niyang pumirma ng five-year contract sa GMA-7, binigyan agad siya ng guest roles sa network. Una siyang nag-guest sa Daig Kayo ng Lola Ko na hindi pa naipalalabas at mauuna pa itong “Nika Manika...”

Nakakatawa po na matatakutin akong tao, horror pa ang isa sa ginawa ko,” natatawang wika ni Sophie. “Kahit po old house itong ginamit naming location, wala po naman kaming naramdaman. Nag-enjoy po akong mag-taping nito.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Si Direk Manny Valera ang manager ni Sophie at co-managed siya ng GMA Artist Center. Noon ang akala ay sa Kapamilya Network siya papasok, pero wala raw naman sinabi sa kanya noon si Direk Manny kaya natuwa siya nang finally ay nasa Kapuso Network na siya.

Nagsimula siya sa TV5, pero nagpa-release dahil gusto niyang mag-try sa iba. Kaya thankful siya sa warm welcome sa kanya sa Kapuso Network nang pumirma na siya ng contract.

Friends pa rin daw sila ni Vin Abrenica, ang naging boyfriend niya noon. Pero lately, wala siyang balita dahil pareho nga silang busy sa kani-kaniyang work. Nagwu-workshop din siya ngayon sa GMA.

Biniro tuloy si Kiko nang sabihin ni Sophie na loveless siya, dahil loveless din si Kiko after one year simula nang mag-break sila ni Barbie Forteza.

Sunud-sunod ang projects ni Kiko ngayon, TV at movies, pero ang isa niyang pinaghahandaan ay ang malapit na niyang pagrampa sa Bench sa November 18. Kailangan daw maging fit ang katawan niya dahil topless ang pagrampa niya. First time daw niyang maging endorser ng Bench at first time din niyang sasali sa fashion show nito.

Ang isang napansin namin kay Kiko, love na love niya ang amang si Gary Estrada na bukambibig niyang laging nakasubaybay sa kanilang magkakapatid. --Nora Calderon