Set-up.

Ito ang ipinagdiinan ng dating actor/model na si Redmund “Cogie” Domingo kasunod ng kanyang pagkakaaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Region 4-A sa Parañaque City kamakalawa.

Nilinaw ni PDEA Public Information Office Chief, Director Derrick Arnold Carreon na hindi kasama sa mga kinasuhan ang misis ni Domingo, si Rea Sacasas, dahil wala naman itong kinalaman sa sinasabing transaksiyon.

Kinasuhan si Domingo ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga na sina Almera Bautista at Francisco Lim.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Domingo, kumakain sila ng kanyang misis sa Residence Avenue BF Homes ng nasabing lungsod nang bigla siyang arestuhin ng awtoridad.

Hindi target ng PDEA agents si Domingo, ngunit nakatanggap sila ng impormasyon na bibili ito ng droga kina Bautista at Lim sa nasabing lugar.

Ilang drug paraphernalia at sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa loob ng kotse ni Domingo, subalit itinanggi niyang sa kanya ang mga ito.

Tumanggi si Domingo na sumailalim sa drug test. - Bella Gamotea