Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

2 pm UST vs. La Salle

4 pm Adamson vs. NU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAKALAPIT sa inaasam na twice to beat incentive matapos pormal na makopo ang ikalawang Final Four berth ang target ng defending champion De La Salle sa muli nilang pagtutuos ng winless pa ring University of Santo Tomas ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Tatangkaing matudla ng pumapangalawang Archers ang kanilang ika-10 tagumpay kontra dalawang kabiguan sa muli nilang paghaharap ng Tigers na naghahangad pa rin ng unang panalo matapos labing-isang sunod na kabiguan sa unang laro ngayong 2:00 ng hapon.

Sa ikalawang laban, may tsansa pang humabol sa ikalawang posisyon na may nakalaang twice-to-beat incentive gaya ng top spot papasok ng semis, patatatagin ang tsansang ito ng Adamson sa pagharap nila sa National University na pagsisikapan namang panatilihing buhay ang pag asang makahabol sa huling Final Four slot.

Habang sinusulat ang balitang ito, nasa ikalimang posisyon ang Bulldogs hawak ang barahang 4-6 kapantay ng University of the Philippines na may laban kahapon kontra pumapang-apat na Far Eastern University(5-5). - Marivic Awitan