Ni JIMI ESCALA

TUWANG-TUWA si Rufa Mae Quinto ngayong opisyal na siyang Kapamilya star. Siyempre, ganoon na lang pasasalamat ng actress/comedienne sa kanyang manager na si Boy Abunda na kahit noong nasa GMA Network pa siya ay siya nang namamahala sa kanyang showbiz career.

Kuwento ni Rufa Mae, dapat ay last year pa siya nakalipat sa Dos pero dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi pa niya naasikaso. Matatandaang anim na buwang buntis na nang ikasal si Rufa kay Trevor Magallanes last November 25.

Bago pa man pala siya nabuntis ay kinukuha na siya ng ABS-CBN, pero hindi nga natuloy.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Rufa Mae Quinto
Rufa Mae Quinto
“Kinuha na ako noon pa ng Home Sweetie Home bilang yaya pero wrong timing nga lang dahil nabuntis ako. Siguro timing din ‘yun. Dapat din nag-PBB (Pinoy Big Brother) ako, kaya Kapamilya na dapat ako last year kaya lang nag-spotting ‘yung pagbubuntis ko,” sey pa ni Rufa.

Pagbabalik-tanaw pa ni Rufa, naipasok siya sa ospital dahil naging maselan ang mga unang buwan ng kanyang pagdadalantao.

Ngayon, tuwang-tuwa ang komedyanang aktres na mainstay na siya sa programang pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz (o Piolo Pascual na nga ba?) na mapapanood every Saturday after TV Patrol Sabado.

“I am so happy to welcome myself . Kasi umiikot lang sa social media at nagiging trending ‘yung mga snippets and clips of my scenes ng mga movies ko. So, gustung-gusto na talaga nila ‘yung comedy ko talaga,” buong ningning na pagbibida ni Rufa Mae.

Nakikini-kinita raw niya na magtatagal siya bilang Kapamilya.

“Ngayon talaga, parang pakiramdam ko, eh, dito na talaga ako. This is meant to be,” napatawang banggit pa ni Rufa Mae.