CONCEPCION, Tarlac - Sugatan ang anim na katao makaraang masangkot sa banggaan ng tricycle at motorcycle sa Concepcion- La Paz Road, Barangay Sta. Cruz, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang si Jesus Yumul, 51, driver ng Honda motorized tricycle; pasaherong sina Amelia Yumul, 58, ng Bgy. Bical, Mabalacat City, Pampanga; at Violeta Sablan, 48, may asawa, ng Bgy. Sto. Cristo, Concepcion, Tarlac.

Sa panig naman ng Suzuki Shogun motorcycle, sugatan ang driver nitong si Laizel Tagaro, 21 anyos; pasaherong sina Marivic Gonzaga, 31, may asawa; at dalawang taong gulang na bata, pawang taga-Bgy. Comillas, La Paz, Tarlac.

Patungo umano noon ang tricycle sa bayan ng Concepcion nang tinangka ng motorsiklong mag-overtake ngunit nasagi nito ang tricycle. - Leandro Alborote
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog