MADRID/CARACAS (Reuters) – Inaresto ng Spanish authorities ang dating Venezuelan deputy minister at tatlong dating executive sa Venezuelan state companies dahil sa umano’y pagkakasangkot sa money laundering at international corruption, sinabi ng Civil Guard ng Spain nitong Biyernes.

Isinagawa ang operasyon sa tulong ng U.S. Department of Homeland Security.

“The District Court for South Texas has issued an international detention order for extradition for involvement in criminal acts related to money laundering and international corruption,” base sa pahayag ng Civil Guard.

Hindi binanggit sa pahayag ang mga pangalan ng mga inaresto ngunit nakalagay ang mga initials nito at ang posisyon ng isa sa kanila. Nakasaad na isa sa kanila ay dating energy vice minister.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture