UE Warriors, sugatan sa Green Archers.

UMULIT ang La Salle sa University of the East, ngunit sa pagkakataong ito ipinamalas ng Green Archers ang ‘total domination’.

Nagsalansan ng 25 puntos si Ben Mbala, habang binakuran ng depensa ang pambato ng Warriors na si Alvin Pasaol, tungo sa 99-78 panalo kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball championship sa MOA Arena.

Sa kanilang unang paghaharap sa eliminations, naitala ni Pasaol ang scoring record na 49 puntos. Sa pagkakatong ito, nalimitahan lamang siya sa 23 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mas marami ang isinablay ngayon ng 6-foot-3 shooter, na kumana ng 8-of-19 sa field, bunsod nang depensang inilatag ng Archers.

Kumubra rin sina Ricci Rivero at Aljun Melecio sa La Salle sa nahugot na 13 puntos, anim na rebounds, tatlong assists at apat na steals, habang tumipa si Melecio ng pitong puntos at walong rebounds.

Nag-ambag din sina big men Santi Santillan sa nakubrang 14 puntos at 11rebounds, gayundin si Justine Baltazar na may 13 puntos, tatlong rebounds, at tatlong blocks.

Tangan ang 9-11 karta, hawak ng La Salle ang No.2 spot sa likod ng walang talong Ateneo (10-0).

Tanging si Mark Olayon ang nakatuwang ni Pasaol na umiskor ng 18 puntos. Bagsak ang UE sa 3-8 karta.

Iskor:

DLSU (99) – Mbala 25, Santillan 14, Rivero R 13, Baltazar 13, Melecio 7, Tratter 6, Montalbo 5, Rivero P 4, Caracut 3, Go 3, Gonzales 3, Paraiso 2, Tero 1, Capacio 0

UE (78) – Pasaol 23, Olayon 18, Derige 9, Varilla 8, Maloles 6, Acuno 6, Cullar 4, Bartolome 2, Cruz 2, Manalang 0, Conner 0, Gagate 0

Quarterscores: 28-18, 53-34, 77-55, 99-78