Ni LITO T. MAÑAGO

NAGSIMULA na ang laban ng reigning Reina Hispanoamerica Filipinas 2017 na si Winwyn Marquez sa Bolivia. Doon gaganapin ang taunang Reina Hispanoamericana 2017 at kokoronahan ang mananalo sa November 4.

WINWYN copy copy

Ito ang unang pagpadala ng beauty delegate ng Pilipinas sa Bolivia at kauna-unahang title holder ang girlfriend ni Mark Herras.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang Reina Hispanoamericana ay beauty pageant na nagsisilbing celebration sa Hispanic heritage, language at culture.

Nagsimula ito noong 1991 bilang Reina Sudamericana (South American Queen) at naka-base ito sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia.

Noong 2003, itinakda ang pageant sa 10 bansa sa South America; 2004 isinama ang Panama at Costa Rica, mga bansang kabilang naman sa Central America. Taong 2006 naman nang tanggapin ang beauty contestants mula sa Dominican Republic, Nicaragua, Puerto Rico at Spain.

Pagsapit ng 2007, isinama na rin ang mga bansang Mexico, Guatemala, Honduras at United States of America at pinalitan na ang pangalan -- mula Reina Sudamericana -- ginawa na itong Reina Hispanoamericana.

A year after, kasali na rin sa pageant ang mga bansang Curacao at Haiti.

Ngayong taon, idinagdag ang Pilipinas bilang dating Spanish colony ng 333 taon.

Luckily, sa kanyang muling pagsabak sa local pageant -- after she failed to win a title sa Bb. Pilipinas 2015 -- Winwyn (Teresita Seen Marquez in real life) made it to Miss World Philippines 2017.

Kasalukuyang nasa Bolivia na ang dalaga nina Joey Marquez at Alma Moreno para sa kumpetisyon. Umalis ang Kapuso actress last October 19 at pagdating sa Santa Cruz, sumabak na agad sa pictorial.

Bago umalis, nakiusap si Winwyn sa Pinoy pageant fanatics at sa bumubuo ng AlDub Nation to vote for her online.

Influential at maaasahan naman talaga sa online voting ang fans nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Pakiusap ni Win apat na araw bago siya lumipad patungong Bolivia, “Hello Aldubnation puwede po ako patulong sa pag-spread na start na po ang pagboto. Thank you at iniwan nito ang Facebook link ng Reina Hispanoamericano.”

Sa kanyang Twitter account, muling nakiusap ang dalaga, “Please continue voting for me at https://www.facebook.com/ReinaHispanoamericana/ look for my official photo LIKE is 1 vote SHARE is 3 votes! let’s go FILIPINAS.”

As of press time, nangunguna si Winwyn sa online voting at sinusundan siya ni Miss Mexico.

Best of luck, Reina Winwyn!