Ni LITO T. MAÑAGO

BALIK-Twitter na ang Dubsmash Queen at Eat Bulaga phenomenal star na si Maine Mendozana matatandaang nag-deactivate ng kanyang account last June 3.

17796147_1154766204634567_6598638999308687473_n copy copy

Isinabay ni Maine ang pagbabalik-Twitter niya sa selebrasyon ng ADN Festival 2017 na inorganisa ng iba’t ibang AldubNation fans club na ginanap nu’ng linggo ng gabi sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia (MOA).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mahigit apat na buwan ding nawala si Maine sa naturang networking site at ang rason kung bakit ‘nilayasan’ niya ito ay dahil sa bangayan at tarayan ng fans.

Ang huling posts ng favorite leading lady ni Alden Richards bago nag-deactivate, “When peace & love are no longer being served; and whenever u find yourself talking in so much negativity, you have to take a break & reflect.”

Sabi pa ni Maine, “Sometimes we need to disconnect to reconnect. Taking a break is necessary to save yourself and others from drowning.”

“I hope we all stop pulling each other down,” na tinapos niya ng isang sad emoji.

Ilang araw pagkaraang mag-deactivate, lumipad siya papuntang Maldives at nagbakasyon doon ng ilang araw.

Sa kanyang pagbabalik, ipinaliwanag niya sa kanyang personal website (mainemendoza.com) ang dahilan ng pansamantalang pag-alis niya sa Twitter.

Sabi ni Menggay sa kanyang blog, dated June 11, “Hi guys! I am back! After taking a breather at Maldives for 5 days (actually 4 lang, bitin na bitin!), now I am back to reality once again.

“Decided to take a break from Twitter too because Twitterworld’s been really toxic lately. How’s it now, by the way?

Do you still remember when everything used to be fun there?”

Bahagi pa rin ng kanyang blog, “When Twitter used to be a harmonious environment for everyone? Haha I know, me neither. Anyway, I just cannot stand people’s negativity there lately. I mean, I have enough negativity in my system already to still add and endure those.

Klaro pang sabi niya, “For the record, it was never about the ‘baddies.’ Bashers are there 24/7 since the very beginning and I honestly do not mind about them. It’s just lately, some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion.

“It’s gotten to the point where fans are quarrelling with fans too, and not with bashers anymore,” winika pa ni Maine dati sa kanyang blog.

Eksaktong four months at 19 days, #KalyeSerye star is back on Twitter.

Ikinatuwa at ipinagbunyi naman ito ng kanyang mahigit 4.5 million followers.

Isang pasasalamat sa AldubNation ang unang post ni Maine sa kanyang Twitter na may handle name na @mainedcm.

“Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong ibinibigay!” Tinapos ito ni Maine ng isang happy heart emoji at hashtag na #ADNFestival2017.