NI: Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Nahaharap ang isang kasambahay sa kasong qualified theft matapos niyang tangayin ang mga alahas at pera ng kanyang amo sa Barangay Baculong, Victoria, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Sonny Abalos ang biktimang si Evelyn Casapao, 33, may asawa, na natangayan ng P29,000 halaga ng iba't ibang alahas at P8,000 cash.

Inamin naman ng suspek na si Leonora “Matet” Cirineo, 32, may asawa, ng Block 3, Bgy. San Jose, ang pagnanakaw.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki