Nais ni Senador Juan Miguel Zubiri na mabulok sa detention cell si Alvin Balag, ang pinaniniwalaang Grand Praefectus (PG) o pinuno ng Aegis Juris Law Fraternity ng University of Sto. Tomas.

Nakakulong sa Senado si Balag simula pa noong Setyembre 18 matapos i-cite for contempt ng mga senador kaugnay sa pagkamatay ng UST law freshman na si Horacio Castillo III.

“Sa ngayon wala pa siyang pinapadalang feelers at kung mayroon man siyang pinapadalang feelers, bahala siya sa buhay niya. Mabulok siya doon,” ani Zubiri.

Ayon kay Zubiri, ayaw mang aminin ni Balag ay malinaw naman na siya ng lider ng fraternity. “Klarong-klaro naman sa mga leaflets sa mga pinirmahang dokumento sa eskuwelahan na siya yung talagang head ng fraternity,” aniya. - Leonel N. Abasola

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji