Hindi magandang balita sa mga motorista.

Napipintong magtaas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Posibleng tumaas ng 70 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, 60 sentimos sa kerosene, at 45 sentimos sa diesel.

Ang nagbabadyang price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nitong Oktubre 17, nagtaas ang Flying V, Shell at Petron ng 20 sentimos sa bawat litro ng gasoline, kasabay ng 15 sentimos na tapyas sa presyo sa kerosene. - Bella Gamotea