JOHANNESBURG (AP) – Binawi ng pinuno ng U.N. health agency ang appointment ni Zimbabwe President Robert Mugabe bilang goodwill ambassador matapos ulanin ng batikos ang kanyang napili.
Sinabi ni World Health Organization (WHO) director-general Tedros Ghebreyesus na nitong mga nakaraang araw ay pinagnilayan niya ang mga batikos at pangambang ipinahayag ng mga lider ng mundo at eksperto sa kalusugan kaugnay sa pagtatalaga kay Mugabe. “As a result I have decided to rescind the appointment,” aniya sa pahayag nitong Linggo.