Ni NORA CALDERON

SA presscon pa ng Bes and the Beshies naitanong kay Zsa Zsa Padilla kung hindi pa ba siya magkakaapo. Naiinip na nga raw siya, sagot niya, dahil gusto na niyang may tumawag sa kanya ng lola.

ZSAZSA ROBIN AT ZIA copy

Wala pa kasing anak ang panganay niyang si Karylle na kasal na kay Yael Yuzon at dalaga pa ang bunsong si Zia Quizon na kasintahan naman ni Robin Nievera (anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez). Sa lalong madaling panahon, magiging magbalae na sila.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa premiere night ng movie na pinagbibidahan nila ni Ai Ai delas Alas at Beauty Gonzales, muli siyang natanong kung kailan siya magkakaapo.

“Ako, wala akong tutol kung magpakasal na sina Zia at Robin, I love them both,” sagot ni Zsa Zsa na kasama nang gabing iyon ang kanyang bunso. “Zia is 26 and Robin si 30, kung ready na sila, okey lang sa akin.”

Nakasama ni Zsa Zsa ang dalawa sa European vacation nila last month, kasama ang boyfriend niyang si Arch. Conrad Onglao.

Pero busy pa raw sa kani-kanilang trabaho sina Zia at Robin. Bumalik si Zia pagkanta, siya ang soloist ng banda niyang Extrapolation. Gumagawa rin ng solo album ngayon si Zia.

Busy naman si Robin as a disc jockey sa Wish FM 107.5

Maging si Martin pala ay payag na ring magpakasal ang anak kay Zia. He loves them very much, nakikita raw niya kung gaano ka-thoughtful si Zia kay Robin at pareho ang hilig nila, music, kaya natututo ang dalawa sa isa’t isa.

Hinihintay na rin ni Martin ang ginagawang album ni Robin na naiiba kaysa mga usong kanta ngayon.

Abangan na lang siguro kung kailan nga magiging lola at lolo sina Zsa Zsa at Martin.

Samantala, successful ang showing ng Bes and The Beshies ng CineKo Productions. Palabas pa rin ito sa mga sinehan nationwide.