Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro sa Martes

(The Arena, San Juan City)

8 n.u. -- Ateneo vs La Salle

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10 n.u. -- UST vs UE

WALANG makapigil sa ratsada ng National University at natikman ng University of the East ang lupit ng defending champion sa dominadong 109-59 desisyon kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament second round sa Araneta Coliseum.

Limang manlalaro ng Lady Bulldogs ang tumapos na may double digit sa pamumuno ni Trixie Antiquera na nagtala ng 20 puntos upang ihatid ang koponan sa ikasiyam na sunod na tagumpay.

Kasama niya sina Ria Nabalan at Mikka Cacho na may 14 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, gayundin ang kanilang front liners na kapwa tumapos na may double double na sina Rhena Itesi (11 puntos at 14 rebounds), at Jack Danielle Animam (10 puntos at 14 rebounds).

Dahil sa panalo, napalawig pa ng Lady Bulldogs ang kanilang hawak na record-winning streak hanggang sa 57 laro.

Sa isa pang laro, dinurog din ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 84-48.

Nagposte ng 19 na puntos si Valerie Mamaril upang pangunahan ang Lady Tamaraws para tumatag sa ikaapat na posisyon, hawak ang markang 4-5, kasunod ang Lady Falcons, na bumagsak sa barahang 4-6.

Samantala, nabaon naman sa ilalim ang Lady Maroons na bumagsak sa ika-9 na sunod nilang kabiguan.

Iskor:

(Unang Laro)

NU (109): Antiquera 20, Nabalan 14, Itesi 11, Cacho 11, Animam 10, Harada 7, Camelo 7, Ano-os 6, Ceño 6, Lopez 5, Sison 4, Tanesa 4, Del Carmen 2, Layug 2.

ADAMSON (59): Razalo 14, Prado 10, Alcoy 9, Lacson 6, Aciro 6, Cacho 5, Rosario 4, Tacitac 4, Villanueva 1, Camacho 0, Araja 0, Cabug 0, Gaite 0, Ramiliano 0.

Quarters: 27-16, 55-23, 79-38, 109-59.

(Ikalawang laro)

FEU (84): Mamaril 19, Balleser 14, Taguiam 9, Antiola 7, Ouano 6, Quiapo 6, Arellado 4, Jumuad 4, Adriano 3, De Guzman 3, Okunlola 3, Bahuyan 2, Gerner 2, Payadon 2, Bastatas 0.

UP (48): Pesquera 15, Ordoveza 8, Esplana 8, Isip 8, Domingo 6, Rodas 2, Cruz 1, Bascon 0, Amar 0, Gatpatan 0, Medina 0, Lapid 0, Ongsiako 0, Tan K. 0, Viray 0, Tan S. 0.

Quarters: 17-11, 39-17, 62-31, 84-48.