(Editor’s note: May nagpadala sa amin ng sulat na ito sa pamamagitan ng private messaging. Inilalabas namin nang buong-buo.)

Bagets copy

Dear ABS-CBN,

Good day po, Kapamilya! Recently, masaya ako at napapanood ko na muli sa Kapamilya Channel ang isa sa mga unang reyna ng teleserye ng ABS-CBN na si Ms. Eula Valdes (The Good Son) at dumoble ang saya ko na may ipapalabas ding pelikula si Mr. Aga Muhlach (Seven Sundays). At sina Yayo Aguila, William Martinez, Cheska Iñigo, Ramon Christopher ay mga Kapamilya rin. Ganoon din po si Raymond Lauchengco na paminsan-minsan ay naggi-guest sa ASAP. Pero siguro po ay nagtataka kayo kung para saan ang sulat ko.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ako po si River isa sa masusugid na tagahanga ng Bagets noong 1984 at proud to say na hanggang ngayon ay paborito ko sila. Bata pa lang ako noong time ng Bagets kaya hindi ko sila masyadong nasuportahan noon although paborito ko silang panoorin at abangan ang traillers ng movie nila sa TV, kahit ang mga pictures nila noon sa magazine at diyaryo ay ginugupit ko kaya lang hindi ko na naitago.

Ngayon po sa pamamagitan ng social media ‘yung suportang hindi ko nagawa noon sa kanila ay nagagawa ko na katulad ng pag-create ng iba’t ibang videos and clippings from their movies, pati collage ng mga pictures nila na hindi ko nagawa noon. At nagpapasalamat ako na sa mahigit na 30 taon ay nakilala ko kung sino sila bilang pribadong tao (they are so nice po, ang babait nila. ‘Yung iba sa kanila, artista man o hindi na active sa showbiz, ay nakasama ko na lumabas at mag-bonding at nakakausap ko paminsan-minsan sa messaging. At ako po ay nagpapasalamat at ina-appreciate ko ang kindness nila. Kaya po ano man ang gawin nilang proyekto ngayon or kahit ‘yung ibang cast na hindi na active sa showbiz ay patuloy kong sinusuportahan ang kanilang napiling linya.

Dahil po sa kabutihan nila ay nais ko po sana ibalik sa kanila, kaya nais ko po sanang humiling sa ABS-CBN na muli silang mapagsama-sama -- ang buong cast ng Bagets 1 and 2 (active man sila sa showbiz or hindi) at mapanood kahit man lang po sa guesting sa ASAP or Rated K or Magandang Buhay o sa kahit anong show. Halos 33 years na din po ang nakalipas pero buhay pa rin sa aking alaala ang ngiti ko kapag napapanood ko sila sa TV at nakikita sa magazine or diyaryo.

Kung sakali pong mapagbigyan ninyo ang isang munti kong hiling, willing po ako tumulong kung ano man po ang maaari kong maitulong para po matuloy ang isang mini-reunion ng Bagets cast.

Maraming salamat po, Kapamilya at sa iyo, Mr. Dindo Balares sa pagkakataong ito na makarating sa ABS-CBN ang aking munting regalo sa aking Itinuturing na pangalawang pamilya.

Maraming Salamat po!

Gumagalang

River

#bagetsforever