Ni: Liezle Basa Iñigo
Isang babaeng pulis na dating beauty queen ang namatay habang sugatan naman ang angkas niya sa motorsiklo matapos silang maaksidente sa provincial road sa Barangay San Vicente, Urdaneta City, Pangasinan.
Sa nakalap na report mula sa Police Regional Office (PRO)-1, nakilala ang nasawi na si PO1 Jonalyn Pagaduan, 23, nakatalaga sa Field Training Program ng Urdaneta City, at taga-Bgy. Killo, Sison; habang nasa ospital si PO1 May Flor Wisco y Divina, 23, ng Bgy. Barangobong, Natividad, Pangasinan.
Nabatid na si Pagaduan ay naging Miss RTC 1, at sumali sa ilang beauty contest.
Dakong 1:45 ng hapon ng Sabado at papasok na sa trabaho ang mga biktima nang mawalan ng kontrol si Pagaduan sa motorsiklo.